BONGABON, Nueva Ecija - Dahil sa matinding problema sa pamilya, patay na nang matagpuan ng kanyang anak ang isang 39-anyos na lalaki habang nakabitin sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Santor sa Bongabon, Nueva Ecija nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni Chief Insp. George Calauad Jr., hepe ng Bongabon Police, kinilala ang nagpatiwakal na si Marvin Pancho y Bayson, residente sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong 10:30 ng umaga nitong Biyernes nang iwan ni Rosemarie ang asawang si Marvin at binitbit ang kanyang mga anak patungo sa bahay ng kanyang biyenan.

Dakong 4:00 ng hapon nang makita ng anak na si Mark ang pagkakabigti ng kanyang ama. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!