Nakagawa ng clutch baskets at matitinding defensive stops ang defending FilOil Flying V Preseason Premier Cup champions De La Salle University upang magapi ang dating walang talong Lyceum of the Philippines Univerity, 121-119, sa overtime, noong Biyernes ng gabi, sa FilOil Flying V Centre.

Bumitaw si Andrei Caracut ng dalawang sunod na 3-pointers sa extension period upang itawid ang Green Archers sa kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos mabigo sa una nilang laro.

Pinangunahan ni Ricci Rivero ang kanilang panalo sa itinala nitong 23 puntos, 5 rebounds, 2 assists at 2 steals bukod pa sa isang end-game block, habang nag-ambag naman si Ben Mbala ng double-double 19 na puntos at 17 rebounds bago nag-fouled out sa overtime period.

“They gave us a dose of our own medicine,”pahayag ni Green Archers head coach Aldin Ayo tungkol sa ipinakitang laro ng Lyceum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Malakas ang naging simula ng Pirates na nakuha pang lumamang ng hanggang 13 puntos sa third quarter bago nag-regroup ang La Salle, partikular sa kanilang depensa, upang agawin ang panalo na nagbagsak sa Pirtes sa markang 3-1, panalo-talo.

Nagsalansan ang Green Archers ng 21-7 run sa fourth canto upang maagaw ng bentahe ,101-99, may 2:20 pang natitira sa regulation.

May tsansa sana si Jaycee Marcelino na ipanalo ang laban para sa Lyceum ngunit naka-split lamang ito sa freethrowl line na naging dahilan upang magkaroon ng ekstrang limang minuto ang laban. (Marivic Awitan)