Muling bumida si Brazilian import Rupia Inck nang kumpletuhin ng Perlas ang una nilang back-to-back win sa Premier Volleyball League Reinforced Conference, matapos pataubin ang Power Smashers, 27-25, 26-24, 25-19, na kahapon sa Fil-Oil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtala si Inck ng kabuuang 19 puntos, na kinabibilangan ng 14 hits, 3 blocks at 2 service aces, para sa una niyang laro sa Lady Spikers na umangat sa markang 5-3, panalo-talo.

Nag-ambag naman si Perlas team captain Dzi Gervacio ng 11-puntos habang nagtala naman si Japanese setter Naoko Hashimoto ng 25 excellent sets, bukod pa sa anim na puntos sa una niya ring laro para sa koponan.

“Malaking tulong din kasi we needed a strong outside hitter then who could help us saka setter din, We needed a taller setter din, eh. Previously ‘yung adjustment namin kapag si Jem( Ferrer) ang setter we have to look out for the balls that passes through her,” pahayag ni Gervacio.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang ika-apat na kabiguan ng Power Smashers sa loob ng pitong laro matapos mabigo ang kanilang mga Thai reinforcement na sina Kannika Tipachot at Hyapa Amporn na maisalba sila sa unang pagkakataon na makapaglaro ng dalawa.

Tumapos si Tipachot na may 16 puntos habang nagdagdag naman si Hyapa ng 13 puntos para sa Power Smashers.

(Marivic Awitan)