Patutulugin ni Horn si Pacquiao!

Ito ang pangako ng beteranong Aussie trainer na si Glenn Rushton hinggil sa nalalapit na paghamon ng alaga niyang si Jeff Horn sa nag-iisang eight division world champion sa buong mundo na si Manny Pacquiao para WBO welterweight crown sa Hulyo 2, sa Brisbane, Australia.

May kartadang 16-0-1 win-loss-draw na may 11 panalo sa knockouts, may estilo si Horn na halos kapareho ng kay Pacquiao ngunit bentahe niya ang kanang kamao na puwedeng magpatulog kay Pacquiao.

Minaliit ni Rushton ang bentaheng karanasan ni Pacquiao sa paniniwalang mas bata, mas malaki at mas malakas si Horn bukod pa sa 55,000 boxing fans na susuporta sa dating guro at 2012 Australian Olympian.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Jeff is always coming at you,’’ sabi ni Rushton sa Courier Mail sa Australia. “But you don’t know what he’ll throw next. He could hit you with a right hand lead. He could turn southpaw (left-handed) and come at you from a whole different angle. Jeff and Manny have similar styles but Jeff is bigger, younger and stronger. And very, very tough.’’

Nangako rin si Horn na wala siyang patawad sa ibabaw ng ring kaya kapag nakakita ng pagkakataon ay kaagad niyang patutulugin si Pacquiao.

“I’m pretty softly spoken and mild most of the time,’’ giit ni Horn. “But I love the competition of boxing. When I get in the ring I’m a different person. You have to be ruthless and get rid of your opponent as quickly as possible.”

(Gilbert Espeña)