SA layuning maisulong ang epektibong pagtutulungan, nagkasundo ang China at ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagtatatag ng 2030 Vision.

“To make better plans for our future relations, we have agreed to formulate 2030 Vision of China-ASEAN strategic partnership,” sinabi ni Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin sa isang press conference pagkatapos ng 23rd ASEAN-China Senior Officials’ Consultation sa Guiyang, China nitong Biyernes.

Sinabi ni Liu na nakatanggap ng pag-endorso ang matataas na opisyal ng China at ASEAN mula sa kani-kanilang foreign minister at mga pinuno, at nangakong kaagad na sisimulan ang pagbuo sa 2030 Vision.

“We are confident that 2030 Vision for China-Asean strategic partnership will make brand new plans cooperation going forward with a more comprehensive and higher level manner,” sabi ni Liu, co-chairman ng 23rd ASEAN-China Senior Officials’ Consultation. “We are hoping to release it next year before the 15th anniversary of China-ASEAN strategic partnership.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi ni Liu na determinado ang China na paigtingin ang epektibo nitong pakikipagtulungan sa ASEAN sa pagpapalakas sa rehiyon sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative ng China “to deepen connectivity and production capacity.”

Aniya, kabilang ang mga bansang kasapi ng ASEAN sa mga prioridad ng Belt and Road Initiative, kasabay ng pagpapahayag ng China ng suporta sa sariling regional integration ng ASEAN na tinatawag na ASEAN Economic Community.

Sa harap ng tumitinding protectionism, sinabi ni Liu na mahalagang magtulungan ang China at ASEAN upang maisulong ang pandaigdigang ekonomiya, mapaigting ang pagtutulungan sa rehiyon, at mapag-ibayo ang ugnayan at pagkakaisa sa Asia.

Sa nasabing pulong, nasisiyahang sinuri rin ng mga opisyal ang progreso ng iba pang pagtutulungan, gaya sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan, karagatan at turismo.

Noong 2016, umabot sa $452.2 billion ang kalakalan sa pagitan ng China at ASEAN at ang China ang pangunahing katuwang sa kalakalan ng rehiyon, na kinabibilangan ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Thailand, Brunei, Myanmar, Singapore, Laos at Cambodia.

Sinabi ni Chee Wee Kiong, Permanent Secretary for Foreign Affairs ng Singapore at isa sa mga pangunahing nagsusulong ng ugnayang China-ASEAN, na target ng magkabilang panig na umabot sa $1 trillion ang kalakalan nito at paabutin naman sa $150 billion ang pamumuhunan pagsapit ng 2020. (PNA)