Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Centre)

10 n.u. -- Cignal vs Air Force (men’s)

1 n.h. -- Power Smashers vs Perlas

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 n.h. -- Air Force vs BaliPure

6:30 n.g. -- Pocari Sweat vs Creamline

PORMAL na makausad sa semifinals ang tatangkain ng Pocari Sweat sa pagabak sa Creamline sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference ngayon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagbabaga ang kampanya ng Lady Warriors na nagtala ng ikaanim na sunod na panalo – pinakamahabang winning streak sa torneo na inorganisa ng Sports Vision -- matapos mabigo sa unang dalawang laro.

Ngunit, sa pagsalang nila ngayong 6:30 ng gabi, hindi makakalaro para sa Lady Warriors ang local top hitter na si Myla Pablo makaraang mapinsala ang likod sa came-from-behind win kontra Balipure nitong Huwebes

Habang magpapakatatag sa pangingibabaw ang Pocari magtatangka namang makaahon ng Creamline buhat sa kinalalagyang ikalimang puwesto sa standings.

Sa tulong ng mga imports na sina Laura Schaudt at Kuttika Kaewpin inaasahan ang unti-unting pagbangon ng Cool Smashers sa pamumuno ni Alyssa Valdez.

Samantala, magtatangka namang bumalikwas ng BaliPure upang makalapit sa asam na ikalawang semis berth sa pakikipagtuos sa Air Force ganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, maghaharap ang Perlas at Power Smashers ganap na 1:00 ng hapon.

Makakalaro na rin para sa Power Smashers at Perlas Spikers ang kani -kanilang mga imports na sina Thais Hyapha Amporn at Kannika Thipachot at sina Rupia Inck ng Brazil at Japanese setter Naoko Hashimoto ,ayon sa pagkakasunod.

Sa kabila ng pagkawala ni Pablo sa second set, umariba ang Pocari para itarak ang 18-15, 20-25, 26-24, 27-25, 15-13 panalo laban sa BaliPure.

Hataw si import Edina Selimovic sa natipang 24 puntos, tampok ang 17 atake, habang kumana si Michelle Strizak ng 16 puntos at nag-ambag si Elaine Kasilag ng 13 puntos. (Marivic Awitan)