STA. TERESITA, Batangas - Nasa kostudiya ng mga awtoridad ang ang dalawang katao matapos na maharang ang truck na sinasakyan ng mga ito at kargado ng mahigit 100 ilegal na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).

Kinilala ang mga suspek na sina Cesar Nepa, 50, ng Tayabas, Quezon; at Jason Blaza, 25, taga-Lucena City.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:40 ng hapon nitong Huwebes nang maharang sa provincial road, sa Bgy. Poblacion II, ang mga suspek sakay sa Isuzu truck (DJF-763), na may kargang 131 tangke ng LPG.

Isinagawa ang operasyon matapos magreklamo ang abogado ng Island Air Products Corporation (IAPC) na si Rolando Monastral sa talamak umanong bentahan ng mga tangke ng LPG ng kumpanya, na sa ibang planta kinakargahan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Lyka Manalo)