Miley copy

NANGGULO si Miley Cyrus sa NBC.

Pinutol ng pop star ang monologue ni Jimmy Fallon sa The Tonight Show nitong nakaraang Martes ng gabi upang ipahayag ang kanyang maraming plano para sa promo ng kanyang bagong single na Malibu.

“Because what better place to talk about Malibu than in New York City?” sabi ni Miley kay Fallon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nang araw ding iyon, umaga, lumitaw siya sa control room ng Today show at nanggulo rin. Sinabi rin niya na magbabalik siya sa morning talk show sa susunod na linggo kasama ang kanyang buong pamilya para sa Today concert series para itanghal ang Malibu.

Ang love song na isinulat alay sa kanyang kasintahang si Liam Hemsworth, bida ng Hunger Games, ay nagsilbing hudyat ng pagbabalik niya sa kanyang country roots pagkatapos ng magulong kabanata sa kanyang music career. Kamakailan ay tumino na ang 24-year-old Disney Channel alum at iwinaksi ang kanyang pakawalang imahe.

Sa first round ng Marry, Eff, Kill tungkol sa kanyang mga awitin, ibinunyag niya sa The Zach Sang Show na pinagsisihan niya ang kanyang eye-popping 2013 hit na Wrecking Ball, na sinasabing tungkol sa paghihiwalay nila ni Liam.

“Marry would probably be The Climb because it still has a message I’m down with,” sabi ni Miley. “Eff would be 7 Things. Kill would be Wrecking Ball. That’s something you can’t take away… swinging around naked on a wrecking ball lives forever. Once you do that in the mass that I did, it’s forever,” sabi niya sa video na idinirehe ng photographer na si Terry Richardson.

“I’m never living that down. I will always be the naked girl on a wrecking ball. No matter how much I just frolic with Emu (aso niya), I’m always the naked girl on the wrecking ball. I just licked the sledgehammer… I should have thought how long that was going to have to follow me around,” patuloy niya.

“That’s my worst nightmare is that being played at my funeral. That’s my worst nightmare… is being like, ‘We’ll always remember Miley,’ and then that. ‘She was a great person.’”