psi copy

DAVAO CITY – Kabuuang 900 kabataan mula sa 30 barangay sa lungsod ang makikiisa sa ilulunsad na Summer Children’s Game ng Philippine Sports Commission sa iba’t ibang venue dito mula sa Mayo 25-27.

Ibinida ni Philippine Sports Institute (PSI) Davao City coordinator Mark Paul Samante sa kanyang pagbisita sa Davao Sportswriters Association (DSA) Forum sa SM City Davao, na umani ng positibong aksiyon sa iba’t ibang sektor at stakeholder ang programa na nasa pangangasiwa ng PSC.

“We have 60 teams in 3-on-3 basketball since each barangay can field two teams and 30 barangay teams for the girls volleyball. All 30 barangays will also have 10 participants each in the Larong Pinoy,” pahayag ni Samante.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang palaro na may layuning maisulong ang kaunlaran ng sports sa grassroots level ay nakatuon sa mga batang may edad 10-12. Aniya, pundasyon ito sa katuparan sa direktiba ng Pangulong Duterte na palawigin ang Sports for all program ng pamahalaan.

Nakabatay ang Children’s Games sa Sports for Peace program na inilunsad ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez noong 2008 sa pamamagitan ng Mindanao Games.

Ayon kay Samante, personal na pangangasiwaan ni Ramirez ang programa sa pakikipagtulungan ng Sports Development Division ng City Mayor’s Office sa pamumuno ni Mikey Aportadera at Liga ng Mga Barangay na pinamumunuan ni Davao City Councilor January Duterte.

Sinabi ni Mildred Untalan, chief-of-staff ni Cuncilor Duterte, na may tig-10 barangay sa tatlong congressional district ang makikibahagi sa palaro.

“The barangays we selected are the ones very active in participating in our programs. We encouraged them to choose CICLs (children in conflict with the law) and out-of-school youth. So far the barangay captains are very receptive and eager to be part of the Children’s Games,” sambit ni Untalan.

Bukod dito, magsasagawa rin ng barangay sports seminar sa Mayo 24 sa Royal Mandaya Hotel.