Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng mga pari sa Archdiocese of Manila na makiisa sa isasagawang “Interreligious Prayer” at “Mass for Life” sa University of Sto. Tomas sa Sampaloc, Manila, bukas (Mayo 21), ganap na 4:00 ng hapon.

Bahagi ito ng 21-araw na “Lakbay-Buhay” march-caravan laban sa death penalty bill sa buong bansa na nagsimula sa Cagayan de Oro City noong Mayo 4.

“We are inviting you to the Eucharistic Celebration of Lakbay-Buhay to be held on the grounds of the University of Sto. Tomas on May 21, 2017. There will be an educational program at 4:00 PM to be followed by the Mass at 5:00 P.M.,” saad sa circular letter ni Tagle. (Mary Ann Santiago)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist