Kinasuhan ng contempt ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang ilang pinuno at kawani ng Ilocos Norte dahil sa dalawang beses na pang-iisnab sa imbitasyon ng komite na magpaliwang hinggil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga minicab, bus at truck, na nagkakahalaga ng P66.4 milyon gamit ang koleksiyon sa buwis (excise tax) ng probinsiya nang walang public bidding.

Sa House Resolution 882, hiniling na tukuyin sa contempt ng komite sina provincial administrator Atty. Windell Chua; provincial treasurer Josephine Calajate; provincial budget officer Evangeline Tabulog; accountant Eden Batulayan; general services officer Joseph Castro; Encarnacion Gaor at Genedine Jambaro ng office of the provincial treasurer; Engr. Pedro Agcaoili ng provincial planning and development office; at iba pa. (Bert De Guzman)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga