camille copy copy

SUNUD-SUNOD ang magagandang pangyayari sa buhay ni Camille Prats-Yambao.

Sinimulan niya ang 2017 sa pagpapakasal nila ng kanyang childhood friend na si John ‘VJ’ Yambao pagkatapos ng apat na taong long distance relationship. Hindi nagtagal, nasundan ang kanilang kasiyahan nang ipahayag ng aktres sa kanyang social media account ang kanyang ikalawang pagbubuntis. Ang panganay ni Camille na si Nathan ay anak niya sa yumaong asawa na si Anthony Linsangan.

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay sa kanyang personal na buhay, patuloy din ang acting career ni Camille at ang pagiging isa sa hosts ng GMA News TV lifestyle show na Mars. Katuwang din siya sa negosyo ng kanyang pamilya, ang Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas at ang Divine Angels Montessori sa Cainta.

Kwentong OFW

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'

Pero hindi pa rito nagtatapos ang blessings sa kanya. Kahapon, inilunsad sina Camille at Nathan bilang brand ambassadors ng RiteMED for Kids.

“Masayang-masaya po ako na ibalita sa lahat na parte na ako ng pinagkakatiwalaang brand ng generic medicine sa bansa.

Ipinagdasal po naming pamilya ang oportunidad na ito. Ito po ang unang beses ko na mag-endorse ng isang healthcare product at proud po ako na ma-associatesa brand na kilala sa pagkakaroon ng mataas na kalidad. Dagdag kasiyahan din po sa akin na katuwang po ako ng RiteMED sa isang bagay na malapit sa puso ko dahil ako po ay isang ina na naghahangad lamang ng para sa ikabubuti ng aking anak at magiging anak,†sabi ng aktres.

Malugod na tinanggap ang mag-ina ng general manager ng RiteMED na si Vincent Patrick L. Guerrero bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“Si Camille ang aming napili na kumatawan sa RiteMED for Kids sapagkat naniniwala kami na taglay niya ang mahahalagang pag-uugali at katangian ng RiteMED. Siya ay mapagkakatiwalaan, maalaga, makapamilya, at naalinsunod sa iba pang brand ambassadors ng RiteMED at RiteMED brand.â€

Ang RiteMED for Kids ay isa sa mga product category ng RiteMED Philippines, Inc. Sa ilalim nito ay may apat na hero products: RiteMED Multivitamins + CGF syrup (bitamina na tumutulong sa pagtangkad), RiteMED Ascorbic Acid syrup (Vitamin C), RiteMED Zinc-CTM syrup (bitamina na pinagsamang Vitamin C at Zinc na tumutulong magpalakas ng resistensya), at ang RiteMED Paracetamol syrup (para sa lagnat). Kung gamot na reseta ng doktor o pediatrician ang kailangan, mayroon din ang RiteMED for Kids mula zero hanggang 12 years old para sa ethical at over-the-counter na gamot.

Ayon kay Guerrero, “Ang paglulunsad ng product line na para sa mga bata ay alinsunod sa adbokasiya ng RiteMED na magbigay ng access sa mga Filipino sa mga de kalidad ngunit mas mababang halaga ng mga gamot. Ito mismo ang ginagawa ng RiteMED for Kids, ang magbigay sa mga magulang ng mas maraming pamimilian pagdating sa mga vitamins at gamot ng kanilang mga anak sa merkado.â€

Buong pagmamalaki ring ibinahagi ni Guerrero na ang RiteMED for Kids, bukod sa pagkakaroon ng premium quality na mapagkakatiwalaan ng mga magulang, ay may kaaya-ayang lasa kumpara sa ibang mga gamot na para sa bata. “Ang mga gamot ng RiteMED for Kids ay dumaan sa masusing taste test dahil alam natin kung gaano kahirap magpainom ng gamot sa bata kung hindi nila gusto ang lasa.â€

“Totoo ‘yan!†sang-ayon ni Camille. “Maraming magulang ang hirap na hirap na painumin ng vitamins at gamot ang kanilang mga anak dahil sa lasa nito. Mabuti na lang, may RiteMED for Kids na ngayon.â€