ANG pinakamalalaking budget films ng summer ay kumpleto ng mga sangkap na inaasahan ng mga manood sa mga Hollywood blockbuster: superheroes, pirates, space aliens. Ngunit sa tunay na kahulugan ng salita, wala ni isa sa mga ito ang masasabing Hollywood movie.

Sa kabila ng malaking pagsisikap ng Los Angeles nitong nakaraang dalawang taon para akitin pabalik ang film production sa pinagsimulan nito, patuloy ang mga producer sa paggawa ng big-budget movies sa labas ng Hollywood para makakuha ng mas magandang tax breaks at subsidies.

Ang resulta, summer movies na gawa mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Kinunan ng Warner Bros. ang Wonder Woman at King Arthur sa Britain, na may npagmamay-aring malaking production space ang Time Warner, Inc. Pinili naman ng Twenty-First Century Fox Inc’s movie studio ang Australia para sa Alien: Covenant. Nag-shooting ang Walt Disney Co’s Marvel Studios sa Georgia para sa Guardians of the Galaxy Vol. 2, isa sa anim na superhero movies na kinunan nito malapit sa Atlanta.

“The support we get in Georgia is tremendous,” sabi ni Marvel Studios President Kevin Feige sa isang panayam. “We’re certainly doing many of our biggest films there well through this year and into next year.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dalawampu’t limang taon na ang nakalipas, ang karamihan ng big-budget films ay kinukunan sa Los Angeles. Simula noon, para maakit ang production, nagsimulang mag-alok ang mga lokasyon sa buong United States at iba pang dako ng mundo ng tax credits o rebates na umaabot ng 40 porsiyento ng local production spending. Isa itong malaking katipiran sa action films na nagkakahalaga ng hanggang $250 milyon ang paggawa. (Reuters)