Patay ang dalawang katao habang malubhang nasugatan ang apat na iba pa makaraang bumangga ang isang motorsiklo sa sinusundan nitong dump truck sa Pikit, North Cotabato, kahapon.
Batay sa imbestigasyon, nakilala ang mga nasawi na sina Jimboy Darrio Serrieza at Mary Jane Darrio Serrieza, habang apat naman sa mga kasamahan nila ang malubhang nasugatan, pawang taga-Barangay Sibulan, Sta. Cruz, Davao del Sur.
Sinabi ni Chief Insp. Donald Cabigas, hepe ng Pikit Municipal Police, na sakay ang mga biktima sa motorsiklong habal-habal galing sa kasal ng isang kamag-anak sa Parang, Maguindanao, nang pagsapit sa Bgy. Batulawan sa Pikit ay bumangga ang motorsiklo sa sinusundan nitong dump truck ng Pikit Municipal Hall.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mga pasahero at dalawa ang agad na nasawi. (Fer Taboy)