180517_Villar_FilePhoto_01 copy

Mayroon nang dalawang bilyonaryo sa 23 senador sa katauhan nina Senators Cynthia Villar at Emmanuel “Manny” Pacquiao.

Pero si Villar ang nananatiling pinakamayaman sa mga senador batay sa kanyang pinakahuling 2016 Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN), na may P3.606 bilyon net worth at walang anumang liabilities.

Ang boxing icon ng bansa, na pumangalawa, ay mayroong P3.072B. Nagdeklara si Pacquiao ng kabuuang P350.6M liabilities at P3.422B total assets.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Si Sen. Antonio Trillanes IV, kilalang kritiko ng Duterte administration, ang pumalit kay Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang pinakamahirap na senador, na mayroon lamang P6.506M. Si Escudero ang pangalawang pinakamahirap na mayroong P6.602M.

Si Sen. Leila de Lima, isa pang masigasig na kritiko ng administrasyong Duterte, ang pumangatlo sa pinakamahihirap na senador, na may P6,617M. Nagdeklara siya ng liability na P3.182M. Si De Lima ay ikinulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa alegasyon sa pagkakasangkot sa droga.

Sumunod naman kay Pacquiao si Senate President Pro Tempore Ralph Recto bilang ikatlong richest senator na mayroong P522.6M.

Sumunod kay Recto sina Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, may P124M; Sen. Juan Miguel Zubiri, P121.768M; at Sen. Sherwin Gatchalian, na may P92.141M.

Si Sen. Grace Poe, na tumakbo noong May 2016 presidential race, ay mayroong P88.480M, mas mababa kaysa P89M niyang net worth noong 2016.

Si Senate minority leader Franklin Drilon ay mayroong net worth na P82,482M, kasunod sina Senators Joseph Victor “JV” Ejercito, P79.130M; at Richard Gordon, P66.928M.

Si Senate Majority Leader Vicente Sotto III ay mayroong net worth na P63.800M, kasunod sina Senators Nancy Binay, P60.483M; Loren Legarda, P40.911M; Panfilo “Ping” Lacson, P38.703M; at Paolo “Bam” Aquino IV, P33.860M.

Si dating Sen. Alan Peter Cayetano, na katatalaga pa lamang bilang Department of Foreign Affairs (DFA) secretary, ay nagdeklara ng P24.132-M net worth.

Kasunod ni Cayetano sina Senators Joel Villanueva, may P21.519M; Gregorio “Gringo” Honasan II, may P21.279M; at Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, na mayroong P17.734 milyon.

Sumunod si Senator Risa Hontiveros na nagdeklara ng P16.332-milyon net worth, at si Sen. Francis Pangilinan na mayroon namang P9.288-milyon net worth. (Hannah L. Torregoza)