SUPER-YAMANG negosyante pala ang nasa likod ng movie producer na pinagtatakhan ng maraming artista kung saan kumukuha ng perang ipinangpo-produce ng mga pelikula dahil wala naman daw regular na pinagkakakitaan at bagamat may talent agency ay hindi naman kumikita ang lahat ng mga pelikula.

“Dummy lang siya (movie producer) kasi hindi puwedeng umapir ‘yung negosyante dahil kilala siya sa corporate world,” kuwento ng aming reliable source. “So naki-partner si _____ (movie producer).”

E, paano mababawi nu’ng super-yamang negosyante ang puhunan kung hindi naman kumikita ang bagong negosyong pinasok niya?

“Barya lang ‘yun sa kanya, saka baka gusto rin niyang tulungan si _____ (movie producer) kasi masigasig talaga, ito ang gustong career,” katwiran ng source.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Kaya huwag na raw kaming magtaka o magulat na marami pang pelikulang ipo-produce ang movie producer kahit hindi bumabalik ang mga nagastos.

Susme, gaano kaya kalalim ang balon ng pera ng super-yamang negosyante na kayang-kayang mag-produce ng sampung pelikula sa isang taon?

At take note, hindi ito indie films kaya hindi nakakapagtipid at mahal din ang mga artistang kinukuha, huh!

(Reggee Bonoan)