Nakuha ng German drugmaker na Bayer ang priority review status para sa experimental drug ng U.S. Food and Drug Administration para uri ng blood cancer na mahirap gamutin.

Batay sa mga resulta ng Phase II study, balak ng FDA na repasuhin ang “copanlisib” ng Bayer sa loob ng anim na buwan sa halip na karaniwang 10 para gamitin laban sa follicular lymphoma na bumalik o nagpatuloy sa kabila ng dalawang naunang gamutan, pahayag ng kumpanya nitong Miyerkules.

Sinisikap ng Bayer na sundan ang mga pagsisikap nito sa pagdedebelop ng mga gamot sa huling tagumpay ng blood thinner na Xarelto at anti-blindness treatment na Eylea.

“Copanlisib may have a greater success and potential than we initially anticipated,” sabi ng analyst na si Bryan Garnier.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa Phase II trials, nakitang pinabagal ng copanlisib ang paglubha ng cancer ng mga kalahok sa halos 60 porsiyento.

(Reuters)