aerobics copy

Para mga taong obese o mataba na mahigit 64 na taong gulang, natuklasan sa isang bagong pag-aaral na mas mainam ang kombinasyon ng aerobic exercise at weight training para mapabuti ang physical functioning kaysa isa lamang sa mga ito ang isagawa.

Ang bawat isa sa ehersisyo at ang kombinasyon ng dalawa ay nakatutulong para makapagbawas ng 9 na porsiyento sa timbang ng katawan sa loob ng mahigit anim na buwan. Ngunit pinakamainam ang kombinasyon dahil nagbibigay ito ng proteksiyon laban sa muscle at bone loss.

Ang aerobic exercise at weight training, kilala rin bilang resistance training, ay may “additive effects” sa pagpapasigla ng physical function, sabi ng chief author na si Dr. Dennis Villareal ng Baylor College of Medicine at DeBakey VA Medical Center sa Houston, sa Reuters Health. “Overall the patient feels it, and we were able to document that objectively,” aniya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang tuklas ay inilathala sa New England Journal of Medicine.

Lumahok sa pag-aaral ang 160 volunteer mula sa New Mexico na may body-mass index na 30 pataas, nasa obese category, at hindi regular na nag-eehersisyo. Para masukat ang physical performance, gumamit ang grupo ni Villareal ng 37-point scale, na ang mas mataas na bilang ay nagpapahiwatig ng mas mainam na physical performance.

Ang mga volunteer na sumali sa 60-minutong aerobic o weight training sessions tatlong beses sa isang linggo sa loob ng anim na buwan ay kinakitaan ng pagtaas sa performance ng 14%, bumuti ng 3.9 puntos sa 37-point scale.

Ang mga volunteer na sabay na isinagawa ang aerobic at strength training sa mas mahabang sesyon, na tumatagal ng 75 hanggang 90 minuto, ay nagpakita ng improvement na 5.5 puntos, o 21%.

“Virtually every competitive athlete knows that the best outcome comes from a combination of strength, endurance and technical training,” ani Dr. Benjamin Levine, director ng Institute for Exercise and Environmental Medicine sa Dallas. (Reuters Health)