Muling nagpahayag ng pagkabahala ang Pilipinas sa huling pagpapakawala ng missile ng North Korea nitong Mayo 14.

Sa inilabas na pahayag kahapon, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy na nananawagan ang Pilipinas sa North Korea na makipag-usap at itigil na ang “acts of provocation” na isang malinaw na paglabag sa mga resolusyon ng UN Security Council at seryosong banta sa kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula at sa pandaigdigang komunidad.

“We underscore the need for (North Korea) to comply with its international obligations under relevant UNSC resolutions and to return to the process of constructive dialogue,” pahayag ng DFA. (Roy C. Mabasa)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony