Kinasuhan na ng paglabag sa environmental law ang mga tauhan ng isang mining company matapos na putulin ng mga ito ang 15,000 na punongkahoy na mahigit 100-anyos na, kahit pa kinansela na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mining permit nito.

Inihayag ni Atty. Teodoro Jose Matta, provincial legal officer ng Palawan, na paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002 ang isinampa nilang kaso laban sa walong tauhan ng Ipilan Nickel Corp. (INC) makaraang putulin ng mga ito ang mga punongkahoy sa 10,000 ektaryang kagubatan ng bayan ng Brooke’s Point.

Paliwanag naman ni Brooke’s Point Mayor Jean Feliciano, “matigas pa rin ang ulo” ng INC na patuloy na “nililinis” ang lugar upang maipagpatuloy ang mining operations nito.

Hindi rin, aniya, sumusunod sa batas ang INC na nagsagawa ng clearing operations sa naturang kagubatan kahit pa kinansela na ng DENR ang environmental clearance certificate (ECC) nito noong nakaraang taon dahil sa kawalan ng permit mula sa lokal na pamahalaan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon pa sa alkalde, kakasuhan din ng illegal logging ang INC. (Rommel P. Tabbad)