STA. BARBARA, Pangasinan - Iginiit ng pamunuan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na kung itutuloy ng gobyerno ang planong pag-aangkat ng karne dahil sa kakulangan sa supply, kinakailangan itong maging legal.

Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng SINAG, lehitimo dapat ang pag-i-import at dapat na magbayad ng tamang taripa.

“Last month when we meet with Sec. Manny Piñol, he told us na mag-import siya, we said as long as it is legitimate import. We have no problem if they pay right tariff,” diin ni So.

Idinagdag pa ni So na mataas ang presyo sa importation kaya tiyak na mabibigatan din ang mga mamimili.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“They said, they will open 7M kgs to let importer import, but up to now no importer have import the 7M kgs open for importer to import because world market price is high. Our local price still lower than the import price,” dagdag pa ni So sa Balita.

Iminungkahi ni So sa gobyerno na magbigay tulong sa mga backyard raisers.

“They should give gilt to backyard raisers. Gilt is a female pig na gagawing inahin,” mungkahi niya.

(Liezle Basa Iñigo)