Muling magtutulungan ang Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) upang mapabakunahan kontra Human Papilloma Virus (HPV) ang mga estudyanteng babae sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay Dr. Clarito Cairo, program manager para sa Cancer Prevention and Control ng DOH, plano nilang ibalik sa Agosto ang HPV school-based immunization para sa mga babaeng siyam na taong gulang sa mga pampublikong paaralan sa 46 na siyudad at probinsiya para maprotektahan sila laban sa cervical cancer.

Sa tala ng DOH, mahigit 6,000 Pinay ang nasusuring may cervical cancer kada taon, at nasa 12 babae ang namamatay kada araw dahil sa sakit na ito. (Mary Ann Santiago)

Pelikula

'And The Breadwinner Is...' kumita na ng mahigit ₱400M