WASHINGTON (Reuters) – Itinalaga ng U.S. Justice Department, sa harap ng tumitinding pressure mula sa Capitol Hill, si dating FBI chief Robert Mueller nitong Miyerkules bilang special counsel para imbestigahan ang diumano’y pakikialam ng Russia sa 2016 U.S. elections at posibleng sabwatan ng kampanya ni President Donald Trump at ng Moscow.
Nangyari ito isang linggo matapos sibakin ni Trump si FBI Director James Comey. Nag-demand ang mga Democrat at ilang kapwa Republican ng pangulo ng malayang imbestigasyon sa hinalang tinangka ng Russia na impluwensiyahan ang resulta ng halalan noong Nobyembre para matalo ni Trump si Democratic candidate Hillary Clinton.
“I accept this responsibility and will discharge it to the best of my ability,” sinabi ni Mueller, iniulat ng CBS News.
Si Mueller, 72, ay decorated Marine Corps officer ng Vietnam War at dating federal prosecutor na kilala sa kanyang tough, no-nonsense managerial style. Itinalaga ni Republican President George W. Bush, naging FBI director siya isang linggo bago ang Sept. 11, 2001, attacks.