gilas copy

TULAD nang inaasahan, kinopo ng Batang Gilas ang titulo ng 2017 Seaba Under-16 Championship matapos iposte ang 83-62 panalo kontra Malaysia kahapon sa Araneta Coliseum.

Winalis ng Batang Gilas ang regional youth competition upang makamit ang ikaapat na sunod na kampeonato para sa Pinoy cagers, sa pangunguna nina Kai Sotto at Raven Cortez.

“(Malaysia) used their speed and outside shooting. That’s why in the second half, we reminded our players to lessen their three-point shots and use our height advantage,” ayon kay coach Mike Oliver.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Isinalansan ng 6-foot-7 na si Sotto ang 10 sa kanyang15 puntos sa third quarter, bukod pa sa 12 rebound, at apat na block, habang nag-ambag naman ng tig-15 puntos sina RC Calimag at Terrence Fortea.

Umigkas ang Batang Gilas sa pagitan ng huling dalawang quarters kung saan nagsalansan sila ng 24-6 blast upang maitala ang 77-52 bentahe may 5:41 na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Nanguna naman si Teoh Yi Kang para sa Malaysia na kasamang nag-qualify ng Batang Gilas sa FIBA Under 16 Asia Championships sa itinala nitong 19 puntos. (marivic awitan)