Tatlong lalaki, na pawang hinihinalang drug addict, ang inaresto nang maaktuhang bumabatak sa Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sina John Ferdie Nicolas, alyas Ego, 21, ng Barangay Rosario; Mar-Ed Espiritu, alyas Mac-Mac, 21, ng Bgy. Rosario; at Jomar Manlabutan, 19, ng Bgy. Balite.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, bandang 5:00 ng hapon inaresto ng Intel Operatives, sa pangunguna ni SPO4 Danny Dave Santiago, ang mga suspek sa Likod Center, sa Bgy. Balite.

Una rito, nakatanggap ng tip ang pulisya na may nagaganap na pot session sa lugar at nang maberipika ay agad sinalakay ang lugar at nadakip ang mga suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang pakete ng shabu at mga drug paraphernalia. (Mary Ann Santiago)