Beijing – Magiging mahaba man ang paglalakbay tungo sa pagreresolba sa iringan sa West Philippine Sea (South China Sea) ngunit handa na ang Pilipinas na simulan ang diyalogo sa China sa Biyernes upang lalong humupa ang tensiyon.

Sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Sta. Romana na magigng “frank and friendly” ang diyalogo ng Pilipinas sa China sa pamamagitan ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM) upang maayos ang gusot at maisulong ang tiwala at pag-uunawaan sa isa’t isa.

Gaganapin bukas, Mayo 19, ang unang pagpupulong ng Philippines-China BCM sa isyu ng South China Sea, sa sidelines ng regional summit sa Guiyang City, China.

Pangungunahan ni Sta. Romana ng delegasyon ng Pilipinas sa inaugural session.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“The President’s directive is to find a peaceful and diplomatic approach to resolve the issue towards to preserve peace and stability, to further improve bilateral relations and to avoid confrontation, avoid violence,” pahayag ni Sta. Romana sa panayam ng media sa Philippine Embassy sa Beijing.

Gayunman, sinabi ng Sta. Romana na hindi dapat umasa ang publiko na makakabuo kaagad ng final settlement sa South China Sea sa unang sesyon ng BCM.

“This is a significant step in what would be a long journey but the point is at least we can now sit down and talk.

Please don’t expect the dispute to be resolved overnight,” aniya. (Genalyn D. Kabiling)