GERONA, Tarlac – Aabot sa mahigit P50,000 halaga ng mga gamit ang natangay mula sa isang pamilya matapos na sapilitang buksan ang kanilang sasakyan sa parking area ng isang restaurant sa Barangay Salapungan, Gerona, Tarlac, nitong Martes ng hapon.
Sa natanggap na ulat ni PO3 Artem Balagtas, ang nabiktima ay ang pamilya ni Karen Phoebe Cruz y Halili, 34, may asawa, ng Bgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.
Nabatid na sapilitang binuksan ang Toyota Hi-Ace ni Cruz at natangay ng mga kawatan mula rito ang dalawang luggage at dalawang backpack na naglalaman ng mga damit at iba pang gamit na aabot sa mahigit P50,000 ang kabuuang halaga.
(Leandro Alborote)