Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach copy

KINASUHAN ng producer ng Miss Universe pageant nitong Martes ang Czech company na kinuha para gumawa ng iconic crown ng mga nagwagi. Ayon sa producer, patuloy na ipinangangalandakan ng kumpanya ang kaugnayan nito sa pageant kahit nilabag nito ang 10-year sponsorship agreement.

Ayon sa IMG Universe, ang parent company ay binili ang pageant mula kay Donald Trump noong 2015, na kumansela sa kontrata sa Diamonds International Corp’s (DIC) noong nakaraang Agosto sanhi ng mga problemang pinansiyal na naging dahilan kaya hindi nakapagbigay ang Prague-based company ng dalawang required payments.

Gayunpaman patuloy na ina-advertise ng DIC ang kaugnayan nito sa pageant, kabilang na sa website nito na naka-display ang logo ng kumpanya sa ibabaw ng pangalan ng Miss Universe, saad sa asunto.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang trademarks ng Miss Universe ay “famous and distinctive,” at ginagamit ng DIC ang mga ito upang lokohin ang publiko at nagdulot ng “substantial and irreparable harm” sa pageant, saad sa reklamo ng IMG, na inihain sa U.S.

District Court sa Manhattan. Wala pang sagot dito ang DIC.

Humihiling ang asunto ng triple damages para sa diumao’y trademark infringement, $2.04 milyon ng contractual payments, at unspecified damages sa pagsira sa sponsorship agreement, na tatagal mula 2015 hanggang 2024.

Ang IMG Universe din ang nagpo-produce ng Miss USA at Miss Teen USA pageants.

Ang Miss Universe crown ay dumaan sa maraming pagbabago sa loob ng 65-taong kasaysayan ng pageant.

Ayon sa reklamo, sinabi ng DIC na ang korona nito ay, “designed to blend the Czech roots of DIC with the beautiful skyline of New York City, home of the Miss Universe Organization and its title holders.” (Reuters)