SA tila truth or dare na laro nagkaroon ng pagkakataon ang fans na malaman ang ilang sekreto nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ilan sa mga ito ang pagiging mapili ni Maine sa mga isinusuot ni Alden. Ayaw ng dalaga na nagsusuot si Alden ng skinny jeans.
Ibinuking naman ni Alden na hindi pumapayag si Maine na hindi kaagad mapapagpasalamat nang matanggap nito ang isang special gift na na-appreciate nito nang husto.
Pero sa huling bahagi ng laro, sinubukang magbigay ni Maine ng detalye sa efforts niya para kay Alden at parang pinigilan niya ang sarili nang sabihing, “The things we do for…” at sabay silang tumawa.
Marami ang nakapansin sa biglang pagtigil ni Maine sa ikinukuwento na ikinatuwa rin ng lahat na mga nanonood sa kanila. Pero marami tuloy ang nag-uusisa ngayon kung ano ang itinatagong sekreto ng dalawa.
Ano nga ba ang kasunod ng sinasabi mong iyon, Maine?
Samantala, sa kanilang seryeng Meant To Be, lalo pang dumarami ang humahadlang sa pag-iibigan nina Sinag (Maine) at Benjie (Alden). Nabuking nang si Benjie pala ang nagpondo ng exhibit ni Teddy (Gardo Versoza) kaya nagalit ang pamilya niya.
Ang sunud-sunod na kaguluhan kaya ng pamilya Obispo at Rosales ang maging dahilan ng tuluyan nang paghihiwalay nina Sinag at Benjie? O ito ang magiging dahilan para ipaglaban nila ang kanilang pag-ibig?
Huwag bibitiw! Tutukan ang natitirang dalawang linggo ng Destined To Be Yours!