ROME, Italy (AP) – ‘Babangon ako at dudurugin ko kayo’.
Sa kabuuan, ito ang mensahe na ipinarationg ni Maria Sharapova, isang araw matapos ilabas ng French Open organizer ang desisyon na hindi siya pagkalooban ng wild card entry para sa premyadong torneo na nakatakda sa Mayo 28.
“I vow to rise up again,” pahayag ni Sharapova sa kanyang Twitter account.
“If this is what it takes to rise up again, then I am in it all the way, everyday. No words, games, or actions will ever stop me from reaching my own dreams. And I have many,” aniya.
Sinabi ni French Tennis Federation president Bernard Giudicelli nitong Martes (Miyerkules sa Manila) na hindi nila papayagang makalaro si Sharapova na nasuspinde ng 15 buwan bunsod ng paggamit ng ‘meldonium’ isang uri ng gamot para sa puso na nitong 2016 lamang napasama sa ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA).
Ang 30-anyos Russian star ay five-time Grand Slam champion, kabilang ang dalawang French Open.
Sa kanyang pagbabalik, binigyan siya ng wild card entry ng tatlong torneo sa pangangasiwa ng WTA.