KALIBO, Aklan - Isang matandang lalaking Amerikano ang natagpuang patay sa loob ng inuupahan niyang bahay sa Barangay Toledo, Nabas, Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang biktimang si Craig Lund, hindi tukoy ang edad, at sinasabing apat na taon nang residente sa lugar.

Ayon kay Senior Insp. Benjo Clarite, hepe ng Nabas Police, hindi pa matiyak ang ikinamatay ng dayuhan dahil may mga bakas ng dugo na nakita sa loob ng bahay nito. (Jun N. Aguirre)
Probinsya

‘EASY 10K!’ Mga tinuling 20-anyos pataas sa Cebu, binigyan ng cash incentive