Nanindigan ang Malacañang na hindi lumala ang buhay ng mga Pilipino sa nakalipas na anim na buwan sa kabila ng huling survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapahiwatig ng pinakamababang net personal optimism simula 2015.

Ito ay matapos lumabas sa survey, isinagawa mula Marso 25 hanggang 28, 2017, ang net personal optimism score na +36, klinaseng “very high” ngunit itinuturing pa rin na pinakamababa simula nang maitala ang +33 noong Setyembre 2015.

Sa survey noong Disyembre, 2016 ang net personal optimism ng mga Pilipino ay nasa +45.

Sa isang pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, na ito ay dahil naramdaman ng mga respondent ang epekto ng inflation noong Marso kasunod ng pagtaas sa singil sa kuryente bunsod ng Malampaya maintenance shutdown at pagmahal ng gasolina, diesel, kerosene at LPG.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Gayunman tiniyak niya na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mapatatag ang supply ng kuryente sa bansa at mapanatili ang antas ng inflation sa target ng gobyerno.

“The Administration remains focused in bringing prosperity to all, especially to the disadvantaged and marginalized sectors,” niya.

Lumabas din sa Marso, 2017 survey na 35 porsiyento ng 1,200 respondent ang naniniwalang guminhawa sila sa nakalipas na taon, habang 19 na porsiyento ang nagsabing lalo silang naghirap.