IBA-IBA ang reaksiyon ng Encantadiks at netizens sa pagtatapos ng Encantadia.
Pero sa loob ng halos isang taong pamamayagpag sa primetime, pinatotohanan ng fantaserye na “even good things must come to an end.”
Pero kahit tuloy na tuloy na ang pagwawakas ng sinubaybayang kuwento ng mga diwata, ayaw tanggapin ng fans ng Encantadia na huling beses na nila itong mapapanood bukas, Biyernes.
Hanggang ngayon ay mahigpit ang kapit nila sa kuwento at patuloy ang pakikisimpatya ng mga manonood sa mga bida at iba pang characters ng show.
Paano nga ba magtatapos ang Encantadia? Sa pamamaalam ng mga diwata, dapat ay hindi mawalan ng pag-asa ang mga manonood dahil isang panibagong kuwento ang magdadala sa kanila sa kakaibang mundo.
Malay natin, baka magpakitang muli ang mga diwata sa panibagong kwentong ito.