LUPAO, Nueva Ecija - Pitong computer set ang natangay ng hindi pa nakikilalang kawatan matapos na looban ang Doña Juana Natividad National High School (DJNNHS) sa Barangay Poblacion West sa Lupao, Nueva Ecija, nitong Lunes, ang unang araw ng Brigada Eskuwela 2017.

Ayon sa imbestigasyon ng Lupao Police, dakong 7:40 ng umaga nitong Lunes lang nabatid ang panloloob, na nadiskubre ni Leonida Zamora, guro, matapos buksan ang paaralan para sa paglulunsad ng Brigada Eskuwela 2017.

Sinabi naman ni DJNNHS Principal Berlyn Vendivil na gumamit ng bolt cutter ang mga kawatan para mapasok ang computer room, na inisyu ng tanggapan ng Department of Education (DepEd)-Region 3. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito