CHARO copy copy

“MY dream is for the Masbate Rodeo Festival to be on every Filipino’s bucket list. My dream is for the Rodeo Festival to be top-of-mind among adventure-seeking tourists. My dream is for the world to know and experience the paradise islands of Masbate,” wika ni CharoSantos-Concio sa kanyang speech sa katatapos na Rodeo Festival 2017 sa Masbate City.

Inimbitahan si Charo ng Rodeo Masbateño Inc. (RMI) upang maging guest speaker

Iniwan muna ng Chief Content Officer ng ABS-CBN ang kanyang busy schedule at bumiyahe patungong Masbate City upang tuparin ang kanyang matagal nang pangarap na maging cowgirl. Ikinuwento ni Charo na noon pa niya pinapangarap na maging cowgirl kaya tuwang-tuwa siya na naranasan na rin niya sa wakas ang cowgirl life sa Masbate, ang tahanan ng Rodeo Festival.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nakasuot ng kumpletong cowgirl costume, pinuri niya ang mga mamamayan ng Masbate sa pagpapayaman ng rodeo tradition sa probinsiya. Napansin din niya kung gaano kaganda ang kapaligiran at mga tanawin sa Masbate — na napakalayo sa kinasanayan nang Kamaynilaan ng top woman executive ng ABS-CBN.

“This is such a unique experience for me. I used to just watch this on TV but it is different when you experience it first-hand,” sabi ni Charo.

Hindi niya nakalimutan ang cowgirl mula sa Masbate na minsang itinampok sa Maalaala Mo Kaya (MMK), ang kanyang top-rating drama anthology sa Kapamilya Network. Ang MMK ang kauna-unahang national TV program na nagtampok ng rodeo tradition sa Masbate.

Sa ik-24 na taon, ang Rodeo Festival ay taunang pagdiriwang upang ipakita ang siyensiya sa pamamahala sa mga alagaing hayop, partikular ang baka. Isa sa mga pangunahing dahilan ang reputasyon ng animal safety kung bakit patuloy na dinadayo ang festival.

Ayon kay Judge Manuel “Bebot” Sese, presidente ng Rodeo Masbateño, Inc. (RMI), malugod na tinanggap ng mga Masbateño si Charo dahil kitang-kita ang likas na pagpapahalaga at appreciation niya sa probinsiya at sa rodeo tradition nito.

“She was all praises for the national beauty of the province. She was also able to visit a ranch and observed some ranch activities,” sabi ni Judge Sese. “We at RMI are very thankful to Charo for gracing this year’s Festival. We hope that more and more people will be able to visit and enjoy our province and the Rodeo Festival just like Charo did,” dagdag pa niya.

Ang main attraction ng taunang festival ay ang National Rodeo Finals, ang kumpetisyon na sinasalihan ng mga estudyante at professionals. May mga kategorya itong cattle lassoing wrestling on foot, steer lassoing on horseback, steer wrestling from horseback, casting down, two-person carambola, four-person carambola, bull riding, at load carrying. Ang lahat ng events na ito ay ibinatay sa pang-araw-araw na gawain sa mga rantso kaya tuwang-tuwa ang mga turista sa pagsaksi sa natatanging kultura at pamumuhay sa Legaspi.