Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na South Korean na wanted sa kanilang pinanggalingan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa internet fraud operations at nambiktima ng kanilang mga kababayan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inaresto ang mga Koreano sa kanilang pinagtatrabahuhan sa BF Homes, Parañaque City nitong Lunes.

Kinilala ang apat na suspek na sina Ryu Sunggon, 43; Park Kyeol, 29; Kim Myung Ryun, 27; at Song Jungrak, 26.

Sinabi ni Morente na ang apat na Korean, na ang mga pasaporte ay pawang kinansela, ay ipatatapon sa kanilang bansa dahil sa pagiging undocumented alien at banta sa kaligtasan ng publiko.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Idinagdag niya na nag-isyu na ng arrest warrant ang isang korte sa Korea at kinasuhan ng fraud at voice phishing ang apat na dayuhan.

Ang voice phising ay isang kriminal na gawain na gumagamit ng social engineering sa telephone system upang mapasok ang pribado, personal at pinansiyal na impormasyon mula sa publiko para sa financial reward.

(Jun Ramirez at Mina Navarro)