Beijing — Sinisikap ng Pilipinas na maisapinal ang kasunduan sa China para sa pagpapalitan ng mga preso.

Sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Sta. Romana na tinatayang 200 Pilipino na nakadetine sa China sa dahil sa mga kaso ng drug trafficking ang maaaring sa Pilipinas na pagsisilbihan ang kanilang mga sentensiya sa oras na malagdaan ang kasunduan.

Kapalit nito, ang mga Chinese national na nakakulong sa Pilipinas ay maaaring pahihintulutang pagsilbihan ang nalalabi nilang sentensiya sa kanilang bansa.

Ang panukakalang kasunduan sa pagpapalitan ng mga preso ay ilan lamang sa mga paksa na tinalakay nina Pagulong Rodrigo Duterte at China President Xi Jinping sa kanilang bilateral talks nitong Lunes.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“There are some discussion about transfer of sentenced persons. They are trying to reach an agreement,” sabi ni Sta. Romana sa panayam ng media sa Philippine Embassy sa Beijing.

Ayon kay Sta. Romana ang mga negosasyon sa panukalang palit-preso ay isinasagawa ng Department of Justice at ng Department of Foreign Affairs. (Genalyn D. Kabiling)