WASHINGTON (AFP) – Nahaharap si U.S. President Donald Trump sa matinding alegasyon na ibinunyag niya ang top secret intelligence sa Russian diplomats sa Oval Office.

Iniulat ng Washington Post nitong Lunes na ibinunyag ni Trump ang highly classified information kaugnay sa grupong Islamic State sa pagpupulong nila nitong nakaraang linggo ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov at Ambassador Sergey Kislyak.

Sa nakagugulat na anggulo, ang intelligence ay iniulat na nanggaling sa isang kaalyado ng U.S. na hindi binigyan ng awtorisasyon ang Washington na ibahagi ito sa Moscow. Ang balitang ito ay maaaring sumira sa tiwala na mahalaga sa intelligence at counterterrorism cooperation.

Itinanggi ni National Security Advisor HR McMaster na ibinunyag ng president ang ‘’intelligence sources or methods,’’ ngunit inamin na nirepaso nina Trump at Lavrov ang ‘’range of common threats to our two countries, including threats to civil aviation.’’

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Ayon sa Post, tinukoy ang hindi pinangalanang mga opisyal, hindi sumunod sa plano si Trump sa panahon ng pagpupulong,

at inilarawan ang mga detalye tungkol sa mga banta ng Islamic State na may kaugnayan sa paggamit ng laptop computers sa mga eroplano, at ibinunyag ang lungsod kung saan tinipon ang impormasyon.

‘’There’s nothing that the president takes more seriously than the security of the American people. The story that came out tonight as reported is false,’’ sabi ni McMaster nang hindi nagbibigay ng detalye.

Nauna rito, tumanggi McMaster na sagutin ang mga katanungan ng grupo ng mamamahayag na nagtipon sa West Wing, sinabing ‘’this is the last place I wanted to be’’ bago umalis.

Sinabi ng political at legal experts na malaking pagkakamali ang ginawa ni Trump.