Simula bukas, Mayo 18, ay bawal nang gumamit ng cell phone habang nagmamaneho saan man sa bansa, kaugnay ng pagpapatupad ng ng Department of Transportation (DOTr) ng Anti-Distracted Driving Law.

Base sa implementing rules and regulations (IRR) na inilabas ng DOTr, hindi maaaring gawin ng mga motorista ang mga sumusunod habang umaandar ang sasakyan, o kahit pa nakahinto sa stoplight o intersection:

*Paggamit ng mobile communication device o smartphone, gaya ng pagsusulat o pagbabasa ng text message;

*Pagtawag o pagsagot ng tawag;

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

*Magpadala o magbasa ng text-based communication, kabilang ang ebook;

*Mag-surf sa Internet, kabilang ang social media;

*Panonood ng pelikula o paglalaro ng games

Ang mga sasakyang pang-agrikultura, gaya ng traktora, o mga gamit sa construction, gaya ng bulldozers o crane, ay sakop ng mga nasabing pagbabawal kung dumadaan sa mga pampublikong kalsada.

Exempted naman ang mga motoristang tumatawag para sa emergency, gayundin ang mga nagmamaneho ng mga emergency vehicle, tulad ng ambulansiya at fire truck.

Ang lalabag sa unang pagkakataon ay pagmumultahin ng P5,000; P10,000 sa ikalawang paglabag; P15,000 at tatlong-buwang suspensiyon ng driver’s license sa ikatlong paglabag; at P20,000 at pagbawi sa lisensiya sa ikaapat at sa mga susunod pang paglabag. (BETH CAMIA)