GENEVA (AFP) – Isang bagong serye ng Syria peace talks ang nagbukas kahapon, ang huli sa mga pagsisikap ng United Nations na resolbahin ang anim na taong digmaan na ikinamatay na ng mahigit 320,000 katao.

Nabigo ang unang limang serye ng mga negosasyon na isinulong ng UN at malabo pa rin ang pag-asa na magbubunga ang mga susunod.

Pinalakas ni Syrian President Bashar al-Assad ang kanyang posisyon sa lupa, at naitaboy ang mga rebelde sa Damascus.

Kamakailan ay tinawag din niya ang proseso sa Geneva na ‘’null’’, at ‘’merely a meeting for the media’’.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nakatuon ang mga negosasyon ng UN sa apat na hiwalay na ‘’baskets’’: pamamahala, bagong konstitusyon, eleksiyon at paglaban sa terorismo.

Inaasahang mananatili sa Geneva hanggang weekend ang mga negoyador ni Assad at ng pangunahing oposisyon na High Negotiations Committee.