SYLVIA_please crop copy copy

SAKSI kami sa paglapit ng mga bata, kasama ang kani-kanilang mommy, kay Sylvia Sanchez nang magpunta siya sa Edsa Shangri-La pagkatapos mag-gym nitong Lunes. Nagpa-picture sila at tinawag siyang, “Ay, si Gloria, kilala kita.

Nakikita kita sa TV (The Greatest Love),” sabi ng isang bata nang tumabi kay Ibyang para magpakuha ng litrato, sabay kiss pa sa lips ng aktres.

May mag-ina na nakiusap pang magpa-picture rin kay Sylvia at nagkuwentong, “Alam mo, nali-late ako sa pagsundo sa anak ko sa school kasi tinatapos ko munang panoorin ang The Greatest Love at ‘yung dati rin sa Be Careful (With My Heart).”

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Walang dudang tumatak na talaga sa mga manonood ang kahusayan ni Ibyang bilang artista, pati na ang mga pangalang Gloria at Teresita bukod sa Mamay Pacita na karakter naman niya sa Ningning.

Naaasiwa ba siyang mamasyal sa mall ngayon na halos bawat hakbang ay maraming nagpapa-picture sa kanya?

“Hindi, kasi sila ‘yung mga nanonood ng shows namin, dahil sa kanila kaya nagri-rate ang shows ng artista. Kaya bakit mo ipagkakait ‘yung konting saya na maibibigay mo sa kanila? Nakakatuwa nga kasi kilala ako.

“Mas hindi maganda kung panay ang daan mo, pero hindi ka nililingon o wala man lang bumabati sa ‘yo, ibig sabihin nu’n, hindi ka nag-i-exist,” sagot ni Sylvia.

May nagtanong kung ano ang susunod na programa ng aktres pagkatapos ng The Greatest Love?

“Alam ko magkakaroon, hindi ko lang alam kung ano,” sabi ni Ibyang.

Ano ang dream role niya na mas hihigit pa sa ginampanan niya sa TGL?

“Ano nga ba? Hindi ko pa alam, hindi ko maisip. Pero pangarap ko talaga, magsama kami ni Arjo (Atayde, panganay niya) sa show, ‘yung tipong may conflict kaming mag-ina, ‘yung magkakasakitan kami, gusto ko ‘yun.”

Type ba niyang gumanap bilang rape victim lalo’t gusto naman niyang gumawa ng indie films?

“Oo, okay ako ro’n, kasi naiiba, hindi pa nangyari sa akin. Game ako,” nakangiting sabi ng aktres.

Sa rape scene, siyempre makikita ang katawan niya, hanggang saan ang limitasyon ni Ibyang?

“’Wag naman ‘yung makikita ang suso ko o private part ko! May mga anak na ako, baka naman ikahiya na ako nina Arjo at Ria (Atayde) pati na ng asawa ko. Baka sabihin nina Arjo, ‘Mom, tumigil ka ng magtrahabo, kami na lang kaysa ganyan.’

Puwedeng suggested lang,” tumatawang sagot sa amin.

Makatotohanan kasi kapag indie films kasi, gusto ng direktor na ipinapakita lahat.

“May mga direktor na napapakiusapan naman,” katwiran ng aktes.

At ang gustong rapists ni Sylvia kung sakaling matuloy ay lima, “Gusto ko sina Pen Medina, Ronnie Lazaro, Nonie Buencamino, Bembol Roco at Joel Torre.

Bakit sila?

“Kasi ang gagaling nila, hindi na ako mahihirapang umarte kasi madadala na nila ako. Kaya sila ang gusto ko. Basta sila lang, hindi mo naman sila mapagsasama-samang lima, kaya dalawa sa kanila okay na.”

Biro namin, puro may edad na.

“May edad na rin naman ako, alangan namang pumili ako ng bata, ano labas ko nu’n?”

Kung medyo bata pa ang gaganap na rapist, sina, “John Lloyd Cruz at Jericho Rosales naman ang gusto ko, kasi ang gagaling din,” say ng aktres.

Pawang magagaling umarte ang choice ni Ibyang.

Hindi niya type si Papa P (Piolo Pascual)?

“Ano ba, hindi naman papayag na rapist ‘yun. Boboyprenin ko na lang,” tumawang sabi ni Ibyang.

Samantala, habang sinusulat namin ito ay may isang major award na namang tatanggapin ang aktres na ayaw muna niyang banggitin kung ano. (Reggee Bonoan)