BAMBAN, Tarlac – Pinaniniwalaang hindi na nakayanan ng isang 28-anyos na lalaki ang problema niya sa pamilya kaya nagpasya siyang magbigti sa ilalim ng punong mangga sa Sitio Pag-asa, Barangay Anupul, Bamban, Tarlac, nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ni PO3 Febmier Azura ang biktimang si Chuster Mardon Floresca, tubong Pozzorubio, Pangasinan at kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay.
Binanggit naman ni Andrea Floresca, 49, ina ng biktima, na nitong nakalipas na mga linggo ay laging balisa at matamang nag-iisip ang kanyang anak dahil sa matinding problema ng kanilang pamilya. (Leandro Alborote)