OAKLAND, California (AP) — Klaro ang mensahe ni Steve Kerr sa Warriors kahit wala sa bench – maglaro na may marubdob na pangangailangan.

Mabilis ang pagtalima ng Warriors sa habilin ng may karamdamang coach at isinagawa ang magaan na paglipol sa San Antonio Spurs na ikinadismaya naman ni coach Gregg Popovich.

Mistulang batya ang rim sa Warriors, sa pangunguna ni Stephen Curry na tumipa ng 29 puntos, tampok ang apat na three-pointer, pitong rebound at pitong assist sa loob ng tatlong quarters, tungo sa dominanteng 136-100 panalo sa Spurs nitong Martes (Miyerkules sa Manila) para sa 2-b bentahe ng Western Conference best-of-seven Finals.

Nag-ambag si Kevin Durant ng 16 puntos, habang kumana si Draymond Green ng 13 puntos, siyam na rebound, anim na assist, dalawang steal at dalawang block. Kumubra si rookie Patrick McCaw ng 18 puntos, limang rebound at limang assist mula sa bench at sa impresibong 6 for 8 shooting tungo sa pinakadominateng panalo ng Golden State playoffs para sa 10-0 karta sa postseason.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tanging si Jonathon Simmons ang may ipinakitang tapang sa Spurs, naabandona nang na-injured na si Kawhi Leoanard, sa naiskor na 22 puntos.

“It looked pretty collective to me. I don’t think it was one guy who didn’t believe and he infected everybody else or anything like that. As a group they just let themselves down,” pahayag ni Popovich, patungkol sa malamyang respond eng kanyang mga player.

“The truth always quote-un-quote sets you free. You can’t sugarcoat it or say ‘if we had just made a couple shots we’d have been right there.’ That’s pretty lame. So, call it like it is. We didn’t come to play. We felt sorry for ourselves. We need to get slapped and come back and play Game 3 and see who we are.”

Hindi nakalaro si Leonard, isa sa tatlong kandidato para sa MVP honor, matapos manumbalik ang injury sa paa nang matapakan ang paa ng dumedepensang si Zaza Pachulia sa 113-111 kabiguan sa Game 1 nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Inilarawan ni Popovich ang aksiyon ni Pachulia na “dangerous” at “unsportsmanlike”. Itinaggi naman ito ni Pachulia kasabay nang pagdepensa na hindi sadya ang kaganapan at bahagi ng laro ang injury.

Nagkataon, nagtamo rin si Pachulia ng pinsala sa kanang paa dahilan para ipahinga ito sa Game 2, habang na-bench din si forward Andre Iguodala dahil sa pamamaga ng kaliwang tuhod.

“They came out with a sense of urgency from the beginning and they played that way for 48 minutes,” pahayag ni Warriors acting coach Mike Brown.

Umiskor si Klay Thompson ng 11 puntos, anim na rebound at apat na assist, habang tumipa si Shaun Livingston ng 10 puntos. Sa kabuuan, naitala ng Warriors ang 39 assist — pinakamarami sa isang koponan ngayong postseason.