Bugbog-sarado ang isang lalaki matapos kuyugin ng mga tao makaraan niyang pasabugan ng tear gas ang isang sayawan sa Palawan, kahapon.

Nagtamo ng sugat sa labi at duguan ang damit ni Roy Gomez matapos siyang kuyugin ng mga residente sa Barangay Bagong Silang sa Puerto Princesa City, Palawan.

“Nagkandasubsob ang mga tao at ang iba nakapikit, dahil sa nagpakawala ng teargas ang suspek,” ayon sa pulisya.

Hindi pa umano nakuntento ang suspek at binasag pa nito ang bote.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Batay sa kuha ng CCTV footage ng barangay, dakong 12:56 nang umaga nang nag-alisan ang mga sumasayaw at makalipas ang isang minuto ay nakita ang isang lalaking tumatakbo at hinahabol ng mga tao. (Fer Taboy)