HINDI tumitigil si Gigi Hadid sa paghahasa sa kanyang kahusayan sa pagrampa sa runway.

Isa ang modelo sa pinakasikat na pangalan sa fashion industry, rumampa sa catwalk para sa mga brand na kinabibilangan ng Chanel, Marc Jacobs at Balmain.

Simula nang aminin noong nakaraang taon na pakiramdam niya ay mahina ang kanyang signature walk, nakatuklas si Gigi ng ilang “tricks” para mapabuti ang kanyang posture.

“I’m flat-footed, and I pretty much have a forced arch in my foot from playing volleyball my whole life,” sabi niya sa Harper’s Bazaar magazine. “In the last six months, my walk has really improved because I’ve started to learn how to pad my shoes correctly to support my feet. It’s like you learn little tricks, and you focus on those.”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ipinagmamalaki ng 22-year-old ang mahigit 34 milyong followers sa Instagram at kinontrata siya bilang ambassador ng Stuart Weitzman at Tommy Hilfiger. Gayunman, iginiit ni Gigi na kinakabahan pa rin siya tuwing siya ay rarampa.

“I’ve really been working on trying to get better and to learn from every show, so I take it as a learning experience, because I always want to do my best. But I think it’s always going to be nerve-racking for me,” aniya.

Para kumalma tuwing nakakaramdam ng labis na expectations sa kanyang trabaho, bumabaling si Gigi sa kanyang nakababatang kapatid na si Bella Hadid, isa ring mdelo.

“She’s so understanding of the demands of this job, and it’s really great that I can talk to her about it,” sabi ni Gigi tungkol sa kanyang 20-anyos na kapatid. “Because a lot of the time I feel suffocated by my own work ethic and by the expectations I put on myself. It’s really nice when you have people who say, ‘It’s okay to take time for yourself.’” (Cover Media)