TATANGKAIN ni dating WBC Eurasia Pacific Boxing Council light flyweight champion Michael Enriquez ng Pilipinas na agawin ang world rankings ng Thai na si ex-WBA interim flyweight titlist Yutthana Kaensa sa 12-round na sagupaan sa Hunyo 8 sa Bangkok, Thailand.

Bagamat natalo si Kaensa sa unification bout kay WBA flyweight champion Kazuto Ioka noong nakaraang Disyembre 12 sa Kyoto, Japan via 7th round TKO, nanatili siyang No. 6 sa listahan ng WBA kaya pipilitin ni Enriquez na manalo para makapasok sa world ratings.

Nakabawi si Kaensa sa pagkatalo kay Ioka sa panalo sa puntos kay Rajesh ng India noong Marso 17, 2017 sa Nakhon Phanon, Thailand samantalang nagwagi rin si Enriquez via 1st round knockout laban kay Jade Yagahon noong Marso 12, 2017 sa T’boli, South Cotabato.

May rekord si Kaensa na 16-1-0 win-loss-draw na may 6 panalo sa knockouts samantalang may kartada si Enriquez na 13-6-1 win-loss-draw na may 9 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert Espeña)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!