Sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga estudyante at mga guro sa pagbubukas ng klase para sa school year 2017-2018 sa Hunyo 5.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang random drug testing ay bahagi ng programang 2017 Brigada Eskuwela ng kagawaran na sinimulan nitong Lunes at tatagal hanggang sa Sabado, Mayo 20.

Pakikiisa rin umano ito ng DepEd sa kampanya ng pamahalaan kontra droga.

Kabilang umano sa mga sasailalim sa drug test ang mga estudyante sa elementary at high schools, at ang mga guro, at ang mga kawani ng DepEd mula sa central, regional at division offices.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“With the consent of parents or guardians, DepEd will conduct drug tests among students in ‘a very discreet manner’ to prevent traumatizing them,” ani DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali.

Sakali aniyang magpositibo sa paggamit ng ilegal na droga ang isang estudyante, magsasagawa ang kagawaran ng psycho-social intervention o ipapasok sa drug rehabilitation center depende sa antas ng pagkalulong ng bata.

Ikokonsidera naman ng DepEd ang awtomatikong dismissal sa serbisyo kung guro o kawani ng kagawaran ang magpopositibo sa droga, ayon kay Umali. (Mary Ann Santiago)