LINGAYEN, Pangasinan - Dalawang tao ang natagpuang patay sa magkahiwalay na bayan ng Mangatarem at Bayambang sa Pangasinan.

Ayon sa report, naghuhugas ng mga sako sa irigasyon sa Barangay Bunagan sa Mangatarem si Virginia Urbano nang madulas siya at malunod nitong Lunes ng hapon.

Dinala siya sa Velasquez Medical Clinic and Hospital sa Mangatarem pero hindi na umabot nang buhay.

Natagpuan naman si Noel Mongcal, 28, na nakabigti ng kumot sa kisame ng kanyang bahay sa Bgy. Tanolong sa Bayambang.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

(Liezle Basa Iñigo)