Binigyan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ng sampung araw ang Commission on Elections (Comelec) para sagutin ang mga katanungan ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa stripping activity na isinagawa ng poll body noong 2016 elections.

Ang stripping activity ay tumutukoy sa pag-aalis ng mga backup card, modem at external batteries sa Vote Counting Machine (VCM) at Consolidation and Canvass Units (CCS), bilang paghahanda sa aktuwal na pagsauli ng mga nirentahang makina sa Smartmatic.

Naghain si Robredo ng manifestation sa PET para atasan nito ang Comelec na sagutin ang ilang isyu na may kinalaman sa stripping activity, bilang bahagi ng kanyang kontra protesta sa electoral protest ni dating senador Bongbong Marcos.

(Beth Camia)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji