SAN MANUEL, Tarlac – Isang hindi nakilalang lalaki, na pinaniniwalaang biktima ng summary execution, ang natagpuan sa tabi ng Salcedo Bridge sa San Manuel, Tarlac, kahapon ng umaga.
Sinabi ni SPO1 Jesus Abad na ang natagpuang bangkay ay may taas na 5’11”, maputi, maiksi ang buhok, edad 30-35, at nakasuot ng asul na T-shirt at short pants.
Nakalagak ang bangkay sa Lotus Funeral Parlor sa Tarlac City para sa awtopsiya. (Leandro Alborote)